'Maraming pinagdaanan': Coleen at Billy, nagkuwento sa mga paghahanda sa kasal

ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2018 05:38 PM | Updated as of Apr 19 2018 09:23 PM

 

A post shared by Coleen Garcia (@coleen) on

Inamin ni Coleen Garcia na mas tumatag pa ang kanilang pagsasama ni Billy Crawford matapos magkaroon ng mga hindi pagkakasundo kasabay ng mga paghahanda sa kanilang kasal.

"Marami talagang pinagdaanan leading to the wedding day. Kami ni Billy marami rin kaming pinagdaanan, there are certain things we argued about, certain things we disagreed on," sabi ni Garcia sa panayam ng ABS-CBN News sa kanila ni Crawford noong Sabado sa gitna ng kaniyang despedida de soltera.

"But it only shaped us to be better as a couple," dagdag ng aktres.

 

A post shared by Coleen Garcia (@coleen) on

Pag-amin pa ni Garcia, nagkaroon siya ng "unrealistic expectations" sa pagpaplano ng kasal na nakaapekto rin sa kaniyang kalusugan.

"May unrealistic expectations ako na makaka-work out pa ako, makaka-diet pa ako but the reality is, right now I have a fever. I guess I underestimated it, all the planning and everything," aniya.

Ipinahayag naman ni Crawford ang kaniyang galak gayong tuloy na tuloy na ang kanilang kasal, na nakatakda sa Biyernes, Abril 20.

"It's real na. This is happening and I'm just thankful that she's not backing out," sabi ni Crawford.

Ibinunyag din ni Crawford noong Miyerkoles sa kaniyang Instagram story na nakalimutan nila ni Garcia na bumili ng mga singsing para sa kasal.

Idaraos sa Balesin Island ang nautical-themed wedding nina Garcia at Crawford, na dadaluhan ng higit 200 bisita.

Sa Amerika na balak mag-honeymoon ng dalawa para makabisita na rin sa pamilya ni Crawford pero kailangan muna nilang tapusin ang ilang showbiz commitments.

Higit apat na taon nang magkarelasyon sina Garcia at Crawford, na napag-usapan pa dahil sa 10 taong agwat sa kanilang edad.

Disyembre 2016 nang ma-engage si Garcia at Crawford.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nauna namang ikasal noong Miyerkoles ang mang-aawit na si Rachelle Ann Go sa American entrepreneur na si Martin Spies, sa isang garden wedding sa Boracay.

Isang napakagandang sunset ang nagsilbing background sa kasal.

Kabilang sa mga dumalo ang mga malalapit na kaibigan ni Go, gaya nina Regine Velasquez-Alcasid, na isa sa mga ninang, at Sarah Geronimo, na secondary sponsor.

Naroon din sa kasal sina Erik Santos, Kyla, at Mark Bautista.

Setyembre nang ianunsiyo nina Go at Spies ang kanilang engagement. Pebrero 2017 naman nang unang magkakilala sina Go at Spies sa New York.

-- May ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.