JK Labajo, kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Darren Espanto

Ahwel Paz, DZMM

Posted at Apr 16 2019 01:44 PM | Updated as of Apr 16 2019 01:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kinumpirma ni Atty. Lorna Kapunan na nagsampa na ng kaso noong Marso ang magulang ni Darren Espanto laban kay JK Labajo sa nauna nang napabalitang sigalot ng dalawa sa social media.

Cyber libel ang sinasabing kasong isinampa ng ina ni Darren laban kay JK.

Ayon kay Atty. Kapunan, sa tingin niya ay malinaw na galing kay JK ang post noong October 28 na naninira sa kasarian ni Darren.

Noong una ay hindi dumalo sa dalawang pagdinig si JK, pero kailan lang ay napag-alaman ng kampo ni Darren na pinabuksan ni JK ang kaso para sa second page.

Nakatakda sanang magharap ang dalawang kampo sa pagdinig noong nakaraang April 12, pero wala pang update tungkol dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.