'Best post-birthday celebration ever': Enrique, todo pasasalamat kay Liza

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2019 11:54 AM

MANILA -- Todo pasasalamat ang aktor na si Enrique Gil sa nobyang si Liza Soberano.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Enrique ang kasiyahan na maipagdiwang ang nagdaan niyang kaarawan sa California kasama si Liza.

Dumalo ang mag-nobyo sa music and arts festival na Coachella kung saan nakasama rin nila ang kani-kanilang mga kapatid at kaibigan.

"Had the best post-birthday celebration ever. Thank you, my love! Never forget," ani Enrique sa caption.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Nito lamang Marso 30 ay nagdiwang ng kanyang ika-27 kaarawan ang aktor na muling bibida sa isang pelikula kasama si Liza.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.