'Litong-lito na ko': Erich nag-aaral ng Mandarin para sa bagong serye

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 02:27 PM | Updated as of Apr 14 2019 06:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

MAYNILA -- Inamin ng aktres na si Erich Gonzales na challenge para sa kaniya ang isang rekisito para sa bagong serye kasama ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim. 

Gaganap si Gonzales bilang half-sister ni Chiu sa seryeng pinamagatang "Love Thy Woman" na may temang iikot sa Filipino-Chinese families.

Dahil dito, hamon kay Gonzales ang matutong magsalita ng Mandarin.

"Actually lahat kami dito Chinese so we need to learn Mandarin so litong-lito na ako in life. Bisaya, Tagalog, English, Mandarin pa so Lord please help me," pabirong sabi ng aktres.

Bukod kina Chiu, Lim, at Gonzales, star-studded ang cast kasama sina Christopher de Leon, Eula Valdez, at Sunshine Cruz.

Balik teleserye din sina Zsa Zsa Padilla at Ruffa Gutierrez.

"Ako 'yung mom ni Xian dito, ako 'yung magiging moral compass niya. Mabait siya na very supportive sa kaniya," sabi ni Padilla. 

"Nandito ako ulit, actually my last teleserye in ABS-CBN was 'Betty La Fea.' Mayaman at colorful ang character. Ako 'yung third wife," patikim ni Gutierrez.

Magsisimula ang taping ng "Love Thy Woman" sa Mayo.
    
— Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.