Moira dela Torre, binigyang diin ang pananalig sa Diyos ngayong krisis

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2020 12:05 PM | Updated as of Apr 06 2020 04:29 PM

MAYNILA — Para sa unang araw ng Banal na Linggo, binigyang diin ni Moira dela Torre ang halaga ng pananampalataya sa Diyos sa gitna ng krisis dala ng coronavirus disease (COVID-19).

Kasalukuyang naka-quarantine sa Las Vegas si Moira kasama ang kanyang asawa at pamilya.

“In this time po sobrang wala po tayong makapitan other than God na siya talaga 'yung sure. COVID-19, no one really knows exactly how it starts, what kills it exactly. So ang daming fear na nabubuo sa hearts natin. Lalo na ngayon na nakakulong tayo ngayon sa bahay ang dami nating iniisip,” ani Moira sa “Magandang Buhay” nitong Lunes Santo.

“We really have to be careful with how we think and who we hold on to. And this time, we really have to hold on to God and grow our faith. Kasi after this whole season, when this pandemic is over, we want to come out stronger,” dagdag ni Moira.