Karla Estrada, may panawagan sa gitna ng krisis: 'Tama na ang kasakiman'

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2020 11:25 AM

MAYNILA — Iginiit ni Karla Estrada na sa pagsubok na nangyayari ngayon ang kailangan ay ang pagkakaisa, pang-unawa at pagmamahal.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on

“Huwag manghinayang sa pera na itutulong dahil kikitain mo rin 'yan. Pero ang buhay na pwedeng mawala dahil sa gutom ay hindi na maibabalik. Ang buhay ng mga frontliners, health workers at ng iba pang nag seserbisyo sa gitna ng epidemya na ito ay pwedeng mawala ng dahil sa pagsisilbi nila sa atin," ani Karla sa kanyang post sa Instagram.

"Kaya bago tayo maging sakim at makasarili, isipin mo muna ng paulit-ulit, paano kung tayo ang nasa posisyon nila? Kaya kaibigan, tama na ang kasakiman at pagiging makasarili dahil one day babawiin lahat ng Diyos sa 'yo lahat ng mga blessings na 'yan kapag 'di ka marunong umunawa at mag-share sa kapwa. 

"Life is so short. Sa dulo ng buhay natin, hindi ipagmamalaki ng mga tao kung ano mang material na bagay ang meron tayo kung 'di ang kung paano ka nakitungo sa kapwa mo. Tulong tulong na tayo at iisang bansa lang ang ating ginagalawan. Pagunawa at pagmamahal ang higit na kailangan ng bawat isa ngayon,” ani Karla.

Isa si Karla sa host ng “Magandang Buhay” na patuloy na nagbibigay ng aliw at impormasyon sa gitna ng pandemikong sakit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.