Cacai ipinaliwanag ang pag-post ng bikini pics

ABS-CBN News

Posted at Apr 04 2017 12:15 PM

MANILA -- Walang nakikitang mali si Cacai Bautista sa pag-post niya ng mga larawang naka-bikini sa nakaraan niyang bakasyon kasama ang kaibigang si Maja Salvador.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, iginiit ni Cacai na hindi naman niya pinipilit ang sino man na magustuhan ang kanyang mga larawan.

"Hindi ko naman sinasabi na gustuhin niyo ang pose ko or matuwa kayo sa pose ko, eh 'yun ang nararamdaman ko," ani Cacai.

"Saka sabi ng ibang tao, tinakpan ko daw ang tiyan ko. Ganoon nga kasi 'yung pose na tinuro ni besh (Maja), may sakit ng tiyan pose daw. Sa susunod magpo-pose ako na nakaluwa ang tiyan ko para masaya kayong lahat," ani Cacai na mapapanood sa isang bagong teleserye ng ABS-CBN.

Sa Instagram, kung saan siya nag-post ng kanyang mga larawan, pinatamaan ni Cacai ang mga taong nanlalait ng kapwa dahil sa pisikal nitong anyo.

Narito ang ilan pang larawan ni Cacai.

 

Photo from Cacai Bautista's Instagram Account

 

Photo from Cacai Bautista's Instagram Account

 

Photo from Cacai Bautista's Instagram Account

 

Photo from Cacai Bautista's Instagram Account
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.