Ivana Alawi, bakit nga ba aktibo sa pagtulong sa apektado ng coronavirus

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2020 01:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA — Batid ng aktres na si Ivana Alawi ang hirap ng ilang mga Pilipino na dumaraan ngayon sa krisis dahil sa COVID-19.

Sa “Magandang Buhay” nitong Biyernes, ibinahagi ni Ivana na aktibo siya sa pag-abot ng tulong ngayon sa mga nangangailangan dahil alam niya ang pakiramdam na maging mahirap.

“Actually nag-start siya noong nanonood ako ng balita tapos nakikita ko na ang daming nagugutom parang nalungkot ako. Sabi ko hindi naman ito puwede na puro alam mo ‘yon, enjoy lang ako rito, tapos nakikita ko ang ibang tao na naghihirap. So kahit nasa bahay ako ay may maitulong din,” pauna ni Ivana.

“Akala ng lahat ng tao na hindi kami dumaan sa hirap, na hindi kami dumaan sa times na wala kaming makain. Kasi (ang totoo) dumaan din ako roon. Way, way back I’ve been though it kaya alam ko ‘yung nararamdaman. Ang mama ko laging nangungutang kasi wala kaming makain. Dumating kami sa point na toyo at kanin, kasi minsan wala siyang mautangan. I’m thankful kasi nadaanan ko ‘yon alam ko isa siyang stepping stone, ‘yun ang nagpu-push sa akin, ayaw kong maranasan ng ibang tao,”dagdag ni Ivana.

Ayon kay Ivana, ngayong siya ay pinagpapala, naniniwala siyang kailangan niya itong ibahagi sa iba.

“At naisip ko rin na siguro kaya rin ako bini-bless ni God is for me to share the blessing, hindi siya i-keep, ayaw ko siyang i-keep. It’s best to give,” ani Ivana na una nang nagpadala ng relief goods sa mga apektado ng lockdown dahil sa pandemikong sakit.
 
Sa programa, nagbigay-pugay din si Ivana sa lahat ng frontliners.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng frontliners. Kayo po ang aming modern-day heroes. Dahil sa inyo, naniniwala po kami na malalampasan natin ito. Maraming salamat at ipinagdarasal po na namin kayo at inyong buong family,” ani Ivana.

Nang hingin naman ang mensahe niya para sa kapwa Pilipino na ngayon ay nasa bahay dahil sa quarantine, sagot ni Ivana: ”Sa mga Team Bahay natin, tiis-tiis lang and I’m sure malalampasan natin.
Marami na tayong pinagdaanan na mas matindi. Isa lang itong pagsubok and kaya natin. Let’s unite as one. Magsama-sama tayo.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.