Alexa Ilacad at Roxanne Barcelo, iginiit ang halaga ng mental health habang lockdown

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2020 02:06 PM | Updated as of Apr 03 2020 02:29 PM

MANILA — Ang mental health at ang kasiyahan ang dalawang bagay na pino-proteksyunan ngayon nina Alexa Ilacad at Roxanne Barcelo habang naka-home quarantine.

Sa “Hotspot” kung saan host si DJ Jhai Ho, nagbahagi ang dalawang aktres ng mga bagay na ginagawa nila ngayong nasa ilalim ang buong Luzon ng enhanced community quarantine.

“Actually tini-take ko itong time na ito para sana maging productive. Dahil walang klase ngayon, magbasa on my own. For me kapag nagbabasa ka, you learn more. Sa church naman may prayer and fasting. Naniniwala kami na the more people pray mas maririnig ni God. Dapat mas united tayo. We pray for our situation. And ako talaga tine-take ko 'yung time na ito para alagaan ang sarili ko, mentally and physically. So hindi ko pinakawalan ang pagwo-workout sa bahay. And, of course, ang mental health natin kapag medyo alam kong hindi na nakakatulong ang social media, nagde-detox ako,” ani Alexa.

Payo rin ni Alexa na maaring mag-ubos ng oras sa musika o magsimulang gumawa ng bagong proyekto sa loob ng bahay. 

Para naman kay Roxanne, parte na ng kanyang araw ang meditation at ang pagluluto.

“Ang araw-araw kong ganap, gigising sa umaga, magme-meditate. Pag-meditate borlog ulit, ubusin mo talaga ang antok. Tapos luto three times a day. Nagbibigay ng pagkain sa guards, para every happy, super distansiya lang," ani Roxanne.

“Ang tema ko sa bahay ay protect your happiness, protect your peace, protect your joy. Ang natutunan ko ay i-protect ang happiness natin… Be your best self,” dagdag ni Roxanne.

At dahil nga sa lockdown, ito ang naging panahon kay Roxanne para manahimik at alalahanin ang mga bagay tungkol sa kanyang ama na pumanaw noong nakaraang taon.

Bago pa magsimula ang lockdown ay una nang naiulat na magiging parte si Alexa ng prequel ng pelikulang “Four Sisters and A Wedding,” samantalang si Roxanne naman ay parte ng seryeng pagbibidahan nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez.

Narito ang kabuuang panayam kina Alexa at Roxanne sa "Hotspot."

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.