'Kapit lang tayo': Judy Ann, may mensahe sa gitna ng banta ng coronavirus

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2020 03:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Naniniwala ang aktres na si Judy Ann Santos na ang pagmamahal sa pamilya ang isa sa pinakaimportanteng bagay na ipinapaalala ng krisis dala ng coronavirus (COVID-19).

Sa “Magandang Buhay” nitong Miyerkoles, tinanong si Judy Ann kung paano ang komunikasyon nila ng kanyang ina at mga kapatid ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon.

“Video calls. Alam mo kung ano ang na-realize ko itong naka-quarantine tayong lahat: at the end of the day, it’s really family. Sila pa rin talaga ‘yung una among iisipin. Sila ang una mong kakamustahin. Kahit iba-iba tayong sitwasyon, I’m sure marami sa kanila ang iniisip ano ang kakainin kinabukasan, sino ang makakalabas or ano ang ipambibili nila, dahil ‘yun nga karamihan ay minimum wage. Tapos hindi sila makalabas para magtrabaho, paano mo siya gagawan ng paraan. So doon lalabas ‘yung pagsasama-sama ng pamilya para maitawid ang isang buong araw,” ani Judy Ann.

“I-appreciate natin ang pinakamalaking blessing na ibinigay ng Panginoon sa atin is family. Kaya lahat tayo may isang malaking treasure na pinanghahawakan, ‘yun ang family natin. So ito ang pinoproteksyunan natin. So kapit lang tayo. Kaya ito, tayo pa ba?” dagdag ni Judy Ann.

“Maniwala lang tayo na matatapos din ito, babalik sa normal ang mga buhay natin. It is not going to be soon but it will happen, kapit lang,” dagdag ng aktres.

Samantala, ipinakita rin ni Judy Ann sa mga manonood ng “Magandang Buhay” kung paano gumawa ng DIY face shields gamit lang ang acetate, foam, garter, puncher at folder.

Isa si Judy Ann sa mga aktibong artista na nagbibigay ng tulong sa frontliners.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.