ABS-CBN child stars, nagbahagi ng dasal sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2020 12:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isang panalangin ang inalay ng mga batang artista na sina Jordan Lim, Onyok Pineda, Enzo Pelojero, Chunsa Jung, Sophia Reola at Jana Agoncillo ngayong humaharap ang bansa sa krisis dala ng coronavirus (COVID-19).

Sa “Magandang Buhay” nitong Miyerkoles, sumama rin sa panalangin sina Pele at Mela na anak ng mga host na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Nakiisa rin ang mga anak ng mag-asawang sina Doug at Cheska Kramer na sina Kendra, Scarlett at Gavin Phoenix at ang bunsong anak ni Dimples Romana na si Alonzo.

“Lord, alam po namin na hindi niyo po kami pababayaan at lagi kayong nandiyan para makinig sa aming mga dalangin. At kami pong lahat hangad namin na sana ay maging mas matatag ang paniniwala sa iyo. Dahil alam namin na kasama sina mama at papa at buong family ay isi-save niyo po kami. Sana po ay patuloy niyong gabayan at bigyan ng lakas ang doctors and nurses and police at ang mga nag-aalaga po sa amin. Ang mga guwardiya, janitor, mga cashier, bagger sa tindahan, mga tao sa botika, lahat ng mga mababait at matatapang na nagsisilbi pa rin para sa kapwa kahit na nalalagay sa panganib ang kanilang kalusugan at ang kanilang mga pamilya. Huwag niyo po silang pababayaan. Sana po Lord Jesus, huwag po silang mahawa ng sakit. Para naman sa kapamilya naming nangangamba kung paano mapapakain ang kanilang mga pamilya, sana po patuloy niyo silang palakasin. Sana hindi sila mawalan ng pag-asa na may tulong na darating para sa kanila. Tanggalin niyo po ang lahat ng takot at pangamba sa puso nila. Sana, po Papa Jesus lahat po kami ay united at strong ang faith sa inyo. I love you, Papa Jesus. Amen,” ito ang naging sama-samang panalangin ng mga bata. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.