WATCH: Vice Ganda, napamura sa tanong ni Charo Santos kay Calvin Abueva

ABS-CBN News

Posted at Apr 01 2019 12:25 AM | Updated as of Apr 01 2019 07:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi napigilan ng komedyanteng si Vice Ganda na mapamura matapos marinig ang tanong ni Charo Santos sa basketbolistang si Calvin Abueva.

Sa segment na "Tanong Mo, Mukha Mo" sa "Gandang Gabi Vice" nitong Linggo, ikinagulat ni Vice ang paglitaw ng retrato ni Abueva sa screen.

"Hindi naman siya kilala ni Ma'am Charo," ani Vice.

"Kilala ko naman siya. Do not underestimate me," sagot naman ni Santos.

"Calvin, may chance pa ba?" tanong ni Santos.

Natigilan si Vice sa itinanong ni Santos. Nilinaw naman ni Santos na tungkol sa paghingi niya ng basketball jersey ni Abueva ang kaniyang tanong.

"Pero bakit 'yung reaction mo noong sinabi ko, hindi ka ngumiti eh," ani Santos kay Vice.

"Sorry po, kumulo 'yung sikmura ko, na-stress ako. Dinispepsia ako ng bongga," paliwanag naman ni Vice.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.