Karylle, naiyak sa mensahe ng inang si Zsa Zsa Padilla

ABS-CBN News

Posted at Mar 28 2019 02:51 PM | Updated as of Mar 28 2019 03:02 PM

MANILA -- Hindi napigilan ni Karylle ang mapaiyak sa mensahe ng kanyang inang si Zsa Zsa Padilla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, naiyak si Karylle habang pinapakinggan ang sulat ng ina na binasa ni Ria Atayde, isa rin sa mga bisita sa nasabing programa.

Sa sulat, ipinagmalaki ni Zsa Zsa ang kasiyahan na marinig mula sa ibang tao kung gaano kabait ang kanyang panganay na anak.

Pinapurihan din ng Divine Diva ang galing ni Karylle sa maraming bagay, maging ang pagpasok sa mga negosyo.

Nagpasalamat din si Zsa Zsa sa "It's Showtime" host na laging nariyan para sa kanya at mga kapatid nito.

Bilang tugon, isang pasasalamat din ang ibinigay ni Karylle sa kanyang ina.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bago pa matanggap ang mensahe ng ina, una nang binalikan nina Karylle at maging ni Ria ang hamon na maging anak ng mga sikat na personalidad.

"Mahirap at a certain point, pero medyo mage-gets mo na kung ano ba 'yung naging challenge at lalampusan mo. Tapos kukuha ka rin ng mga kaibigan mo na pareho rin ang concerns. Minsan ay in denial pa 'yan. Alam ko na lahat 'yan, napagdaanan na namin 'yan," ani Karylle.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.