Inigo nagsalita sa 'kissing' video nila ng amang si Piolo

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2017 12:56 PM

MANILA -- Tinawanan lang ni Iñigo Pascual ang ilang nagsasabi ng hindi maganda sa viral "kissing" video nila ng amang si Piolo Pascual. 

Sa panayam nila sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkules, ibinahagi ni Iñigo ang kanyang saloobin sa nasabing isyu. 

"To be honest it's something that ngayon, parang I just laugh about it. Kasi parang what's the point of making a story out of something that shouldn't," ani Iñigo.

Dagdag pa ng nakababatang aktor, hindi niya na problema kung iba ang pagtingin ng iilan sa kung anumang bonding mayroon sila ng kanyang ama.

"Parang hindi ko maintindihan bakit kailangan nilang gawin? Hindi ko maintindihan why even it has to be a thing? He is my dad and if they don't treat their dad the same way, that's not my problem," dagdag ni Iñigo.

Para naman kay Piolo, inamin nito na bilang magulang ay nasaktan siya sa mga sinasabi ng bashers, pero iginiit niyang ayaw na lang niyang patulan ang mga ito dahil sa alam niya kung ano ang tama.

"You know what, ang hirap. You want to get mad at these people, gusto mong mapikon sa kanila. But if you know what is right, what is positive and what is right in the eyes of God, 'di ka mag-iisip ng malisya kung nasa tamang pag-iisip ka. Anak ko ito! How dare you tell me what I should do and I shouldn't do," ani Piolo.

Giit pa ni Piolo, hindi siya magsasawa na ibahagi ang bonding moment nilang mag-ama hanggang may pagkakataon sila.

"Ayaw ko kasing mag-isip ng masama sa tao, pero 'yung mga namba-bash siguro naiinggit sila because they don't get to experience that kind of bond with their parent, or their son. Ayaw ko na lang magsalita, because my relationship with my son is a blessing and I'm going to flaunt whatever we can just as long as we have the time together, hindi ba?" ani Piolo na bida sa pelikulang "Northern Lights" na ipapalabas sa March 29.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.