Julia Barretto, Gerald Anderson excited sa bago nilang tambalan

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 09:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Excited sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa kanilang bagong tambalan para sa pelikulang "Between Maybes."

Ayon kay Baretto, pakiramdam niya ay marami siyang matututunan kay Anderson.

"It's a fresh new tandem. I don't think it's anything that anyone ever expected na magkakatambalan," ani Barretto.

"There will be exchange of, siguro, wisdom... It's exciting. I think I'm gonna grow from him and from this project," sabi niya.

Naniniwala naman si Anderson na "meant to be" ang proyekto.

"Ibang leading lady and first time ko makatrabaho si Direk," ani Anderson, na tinutukoy ang direktor ng pelikula na si Jason Paul Laxamana.

Gagampanan ng 2 ang karakter nina Hazel Ilagan at Louie Puyat, mga "lost soul" na mahahanap ang isa't isa.

Tumulak na ang 2 bida papuntang Japan kung saan kukuhanan ang ilang eksena ng pelikula.

--Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.