Judy Ann, game mag-reunion movie kina Piolo, Gladys

ABS-CBN News

Posted at Mar 19 2019 09:21 PM | Updated as of Mar 19 2019 09:50 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa gitna ng mga nauusong reunion movie ng mga tambalan noong 80s at 90s, inihayag ni Judy Ann Santos na game din siyang makasama muli sa proyekto ang ilang dating nakatrabaho.

Ayon kay Santos, game siyang maka-reunion movie ang kaibigang si Gladys Reyes at dating ka-love team na si Piolo Pascual.

"Yes, a movie with probably Gladys again, probably with Piolo again," ani Santos. 

"It really depends on the material and the director and the timing," dagdag ni Santos.

Naging sikat ang samahan nina Santos at Reyes sa 90s na serye na "Mara Clara."

Taong 2006 naman nang huling magtambal sa pelikula sina Pascual at Santos sa pelikulang "Don't Give Up On Us."

Sa ngayon, abala si Santos sa pagiging ina, pagba-vlog, at pagbabalik-teleserye. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.