'Bawal sad': Huling lamay para kay Chokoleit nagmistulang comedy bar

ABS-CBN News

Posted at Mar 15 2019 05:36 PM | Updated as of Mar 15 2019 07:43 PM

Nagmistulang comedy bar ang huling gabi ng lamay para sa yumaong komedyanteng si Jonathan "Chokoleit" Garcia bago dalhin ang kaniyang labi sa Davao kung saan siya ililibing.

Ito umano ang nais ng komedyante dahil na rin sa noong nabubuhay pa siya, ayaw na ayaw nito ng seryoso at malungkot ang mga kaibigan.

Dumalo sa tribute ang maraming kaibigan ni Chokoleit, kabilang ang mga katrabaho sa telebisyon at sa comedy bar kung saan nagsimula ang karera nito. 

"Sa totoong buhay po wala kaming maalalang magandang sabihin kay Chokoleit. Ang hirap magpanggap na porket patay siya eh [maganda ang sasabihin namain]," pagbibiro ni Vice Ganda.

Kuwento nila, tinaguriang "MNR" o "mahal na reyna" ng entablado si Chokoleit dahil sa talento nito sa pagpapatawa.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kabilang sa mga nagbigay ng tribute kay Chokoleit sina Pokwang, Vice Ganda, K Brosas, Pooh, Jolina Magdangal, Nikki Valdez, Karla Estrada, na nagkaisa sa pagsasabing isa si Chokoleit sa maituturing na pioneer sa comedy bar shows.

Bukod sa mga patawa, nagkaroon din ng mga kantahan sa lamay. 

Anila, ito ang nais na maging eksena ni Chokoleit kung nasaan man daw ang kaibigan. 

—Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.