'Halik': Lino, inamin kay Jade ang pag-ibig para kay Jacky

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2019 12:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- "Oo, mahal ko si Jacky."

Ito ang diretsahang pag-amin ni Lino (Jericho) sa nanlokong asawang si Jade (Yam Concepcion) sa seryeng "Halik."

Sa episode ng sikat na serye nitong Martes, isang komprontasyon ang naganap sa pagitan nina Lino at Jade.

Nag-ugat ang sagutan nila nang ma-ospital ang kanilang anak dahil sa kagagawan ng huli.

Nang paaminin ni Jade si Lino kung mahal na ba nito si Jacky, tila hindi niya inaasahan ang matapang na pag-amin ni Lino.
 
Dahil sa galit, sinubukang saktan ni Jade si Lino.

Ikinumpara rin ni Jade si Lino kay Ace (Sam Milby) na ikinagalit ng huli.

Inihalintulad din ni Jade si Lino sa kanya dahil sa nararamdaman nito para kay Jacky.

Sagot naman ni Lino: "Magkaibang-magkaiba tayo Jade, wala akong pinagsabay, hindi katulad mo. Wala akong niloko. Hindi ko ginawa ang lahat nang ginawa mo. Naintindihan mo 'yon? Ikaw ang nanloko sa akin. Ikaw ang kumabit doon sa Ace, o nakalimutan mo na rin 'yan?"
 
Mapapanood gabi-gabi, mula Lunes hanggang Biyernes ang "Halik" pagkatapos ng "The General's Daughter."