Carlo Aquino, masaya sa career at personal na buhay

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2020 12:00 PM | Updated as of Feb 26 2020 12:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Masiglang acting career at hitik sa endorsements si Carlo Aquino na wala nang mahihiling pa sa kanyang career at pati na sa personal na buhay.

Masaya si Carlo sa present girlfriend na si Trina Candaza na ayon sa aktor ay mukhang nakita na niya ang “the one.”

"Siyempre nasa tamang edad na rin ako, 34 na ako. Titingnan natin sa mga susunod na buwan, taon," ani Carlo.

"Nag-iba 'yung outlook sa buhay, mas magaan at happy. Wala naman siguro sa tagal 'yun," dagdag ng aktor.

Sa career naman patuloy ang request at intrigahan kung magsasama pa ba sila ni Angelica Panganiban na minsan ng na-link at nakatrabaho ni Carlo.

"Sa akin ha, sa side ko, wala, wala naman. Kasi matagal na kami magkakilala eh okay lang naman. Hindi ko pa alam kung gugustuhin nila 'yun, baka may violent reactions pero sabihin ko okay naman pero hindi pa siguro sa ngayon," ani Carlo.

Positive reviews ang natatanggap ngayon ni Carlo na isa sa mga bida ng primetime serye na “A Soldier's Heart.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.