Arjo Atayde, todo-puri kay Julia Montes sa '24/7'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2020 12:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Mainit na pagtanggap mula sa manonood ang naramdaman nina Julia Montes at Arjo Atayde sa pagsisimula ng kanilang weekly series na "24/7."

First time makatrabaho ni Arjo si Julia na 'di niya makakalimutan.

"Ang husay niya talagang artista. She's really good amazing. She amazes me on the set. Makulit siya. 'Yun din ang impact niya sa akin kasi I see her always crying on TV. Tapos nung nakita ko in person, I get to talk to her like dito sa '24/7' nakakapag-usap talaga kami, 'yun fun person," ani Arjo.

Papasukin na rin ni Arjo ang pagpo-produce ng mga pelikula na matagal na niyang planong gawin. Ito raw ang bunga ng pagmamahal niya sa propesyon bilang isang artista.
 
"Nung nag-start ako sa showbiz sabi ko gusto ko na nagke-create ng character sa ulo ko. That's why I love acting kasi you get to create things you'd never experience in life. Doon ko natutunan na gusto ko palang nagke-create ng story," ani Arjo.
 
Malayo sa mga roles na napanood na kay Arjo ang kanyang unang project bilang producer, ayon pa sa aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.