KILALANIN: Mga hurado ng 'Idol Philippines'

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Feb 26 2019 08:07 PM

Magsisilbing mga hurado sa bagong talent competition na "Search for the Idol Philippines" sina Regine Velasquez, Vice Ganda, James Reid at Moira Dela Torre. ABS-CBN News

Ipinakilala na ang mga makakasama ni Regine Velasquez sa pagkahurado sa "Search for the Idol Philippines."

Kasama ni Velasquez bilang judge ng talent competition sina Vice Ganda, James Reid at Moira Dela Torre habang napili namang host si Billy Crawford.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon kay Velasquez, higit pa sa pagiging hurado, nais daw niyang maging mentor din sa mga mapipiling contestant.

"I wanna be honest because I want them to improve," ani Velasquez.

Dagdag pa ng binansagang "Asia's Songbird," ang pagiging hurado na raw ang pinakamahirap na papel na kaniyang gagampanan.

"Mahirap kasi when you say 'no' to a contestant, it's like you ruining their dreams," ani Velasquez.

Hindi naman makapaniwala si Vice Ganda na napili siyang hurado sa isang singing contest.

"Sure kayo diyan talagang 'Idol Philippines' magja-judge ako?" anang komedyante.

Inihayag naman ni Dela Torre ang kaniyang pagkasabik.

"Sobrang excited po ako kasi as a person coming from a singing contest also. I can empathize," ani Dole Torre, na unang nakilala sa unang season ng "The Voice of the Philippines."

Bagaman siya raw ang pinakahuling nasabihan na maghuhurado, itinuturing ni Reid na karangalan ang pagkakapili sa kaniya.

"I was the last to know actually. A few days ago so me, I was shocked," aniya.

"I'm honored to be in a panel like this," dagdag ni Reid.

Ang "Search for the Idol Philippines" ang pinakabagong lokal na bersiyon ng "Idol" franchise ng British producer na si Simon Fuller. Nakilala ang "Idol" franchise sa bansa dahil sa pagpapalabas dito ng "American Idol."

Nakatakdang ipalabas sa ABS-CBN ngayong 2019 ang "Search for the Idol Philippines."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.