Kasalang Sarah-Matteo ilang beses napurnada, ayon sa kaibigan

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 08:24 PM | Updated as of Feb 25 2020 09:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ilang beses nang napurnada ang pag-iisang-dibdib nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli bago pa ito mauwi sa "secret wedding" na kalauna'y nauwi sa gulo, ayon sa matalik na kaibigan ng bagong-kasal. 

Ilang taon nang pinaplanong magpakasal nina Geronimo at Guidicelli, ayon kay Letty Fuentes, church counselor ng mag-asawa. 

"Plans for so many years, they wanted (to marry), kaso hindi nga puwede kasi talagang hindi nga tatanggapin. But Matteo really pursued, they will cut-off tapos they will be back again. They were almost both in tears most of the time," kuwento ni Fuentes sa isang eksklusibong panayam.

Matinding pagsisikreto ang ginawa nina Guidicelli at Geronimo para hindi maisapubliko ang kanilang kasal, ayon kay Fuentes. 

"Akala ko magse-session lang, dinner lang kami. Not even the Guidicelli family knew about it. One day before lang," ani Fuentes, na naging sandigan umano ng AshMatt kapag nagkakaproblema sa relasyon nila. 

"[Sabi ni Sarah] 'Tita we really decided on this'," dagdag nuiFuentes. 

Watch more in iWant or TFC.tv

NAUWI SA TULAKAN? 

Maaalalang ang masaya sanang kasalan ng mag-asawa ay nauwi umano sa gulo nang biglang dumalo sa reception ang ina ni Geronimo na si Divine - na pinaniniwalaang tutol sa relasyon nina Geronimo at Guidicelli. 

Humarap sa pulisya - at kalaunan sa radio show - ang bodyguard ni Geronimo na si Jerry Tamara na iginiit na sinuntok umano siya ni Guidicelli, na pinagbintangan umano siya sa pagsabi kay Divine sa mga detalye ng kasal. 

Kinumpirma ni Fuentes na nauwi sa sigawan at tulakan ang insidente at nagkaroon pa siya ng pasa.

"Sabi niya (Divine) 'traydor kayo', tapos sigaw-sigaw tapos parang nagmura or something," dagdag niya. 

Pero wala umanong suntukan na naganap, taliwas sa naging pahayag ni Tamara. 

"Walang brawling dun, wala ring baril kasi nabasa ko may baril," ani Fuentes. 

Ibinahagi pa ni Fuentes na kinakausap na siya ni Divine tungkol sa pagpapakasal ng dalawa, at sinabi umano sa kaniya na gawin ang lahat ng makakaya para ipatigil ito. 

"I did, many times, na sinasabi ko what will you do if the two pursue, sabi niya: hindi raw niya tatanggapin. She was trying to sway me to advise her to stay off from him, [I said] I cannot do that I will only say things , then decision will still be for them," ani Fuentes. 

Masalimuot man ang huling parte ng kasal, hindi umano mabubura ang saya na nakita ni Fuentes sa mata ng bagong-kasal.

"Matteo was crying. Matteo really loves her so much. With all those things, he is a man with commitment. Nakaplano. Wala ka nang hahanapin," kuwento niya. 

"Sarah was happy. Parang nakawala. I have never seen her so confident that day, talagang 'yong finale lang ang masakit," dagdag niya. 

"Nagbibiruan nga sila sa rites na 'akin ka na' tapos sinabi ni Matteo na 'finally she's mine'." 

Sa kabila ng mga nangyari sa kasal, may payo si Fuentes para kay Geronimo. 

"All these things, I was telling her, forget it, forgive your mom, this is just a revelation. In time, just pray more. Many people will pray for you," ani Fuentes. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.