Jane Oineza, sinagot kung sila na nga ba ni RK Bagatsing

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 11:18 AM | Updated as of Feb 25 2020 11:32 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Iginiit ni Jane Oineza na bukas siya sa maaring mangyari sa pagitan nila ni RK Bagatsing, leading man niya sa pelikulang "Us Again."

Pero nang tanungin kung sila na nga ba ng aktor, sagot ni Jane: "Hindi. Hindi pa."

"Wala naman akong isinasara. Hindi ko naman pinipigilan at wala rin akong hinahanap. Kung darating ay darating," ani Jane sa "Magandang Buhay" nitong Martes.

"Siguro mas nag-focus lang din ako sa sarili ko ngayon, self-love. I really wanted to reinvent and improve myself, 'yun lang," dagdag niya.
 
"Sa akin po personally walang nag-udyok sa akin, wala namang heartbreak o ganyan. Siguro talagang sabi ko lang sa sarili ko na okay it's time, gusto ko lang talagang mag-focus, parang ako naman, self ko naman, sarili ko naman ang uunahin ko. Happy ako sa nangyayari sa akin, happy ako sa kung sino ako ngayon. Masaya ako," aniya.

Ngayong Miyerkoles, Pebrero 26, ay ipapalabas na ang pelikulang "Us Again" nina Jane at RK.

Matatandaang unang nagkasama sa 2018 seryeng "Araw Gabi" ang dalawa.

Kamakailan lang ay inamin ni RK na single na siya ulit pero iginiit ng aktor na walang third party sa nangyaring hiwalayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.