JM de Guzman, naiyak sa mensahe ng ama

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 01:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi napigilan ni JM de Guzman ang maging emosyonal matapos marinig ang mensahe ng kanyang ama.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, isang audio message mula sa ama ni JM na si Ronniel de Guzman ang naging sorpresa para sa aktor.

Sa mensahe ni Ronniel, iginiit nito na hindi nito iiwanan ang anak at mananatiling ang ikabubuti nito ang kanyang nais.

"JM, I'm sorry for all my shortcomings. If I have disappointed you or hurt you in anyway, I am sorry. I know I'm not perfect as a father. I am far from one. But please know that I will never abandon you. I will always be here for you and I only wish good things for you. I know you've been through a lot. I'm very proud of you. Alam ko lumalaban ka every single day, I am always rooting for you and I love you," ani Ronniel.

"I always thrive to be like you since I was a kid because you showed me how to be strong. I admire 'yung how you handle yourself, I always wanted to be like that, to be strong like you," tugon ni JM na hindi na napigil ang maiyak.

Pagpapatuloy ni JM: "Basta I love you, thanks for the kind words. I'll always make you proud. I will do my best." 

Sa ngayon ay parte si JM ng seryeng "Pamilya Ko."