Marcelito Pomoy, nagpapasalamat sa panibagong pagkakataon dahil sa 'AGT'

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2020 07:35 PM

Nagpasalamat si Marcelito Pomoy sa patuloy na suportang kaniyang natatanggap mula sa kaniyang mga tagahanga.

Hindi naging madali para kay Marcelito ang makamit ang tagumpay na kaniyang nararanasan ngayon. Marami rin siyang pinagdaanang pagsubok hanggang sa magwagi sa Pilipinas Got Talent noong 2011.

Dito na siya nakilala, lalo na dahil sa kaniyang kakaibang boses.

Ngunit matapos ang kaniyang pagsikat, unti-unti ring nawala ang interes ng mga tao sa kaniya.

Muling nagningning ang bituin ni Marcelito matapos mag-viral sa social media ang isa niyang video. Dito na siya napansin sa ibang bansa, hanggang maimbitahang sumali sa "America's Got Talent: The Champions", kung saan tinanghal siyang 3rd runner-up.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.