TNT Boys wish maka-sing-along si Beyonce

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2019 09:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv


    
Balik-bansa ang TNT Boys mula Amerika matapos ang kanilang viral TV guesting sa isang late night talk show kung saan na-meet at naka-sing-along pa nila si Ariana Grande.
    

Nasa cloud nine pa sina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion matapos ang di malilimutang paglabas sa "The Late Late Show with James Corden" kung saan sorpresa sila ni Grande.

"Akala po namin pagpunta namin i-interview-hin lang po kami at kakanta," sabi ni Empuerto.

Dahil dream come true na makabirit kasama si Grande, wish naman ng trio na makakanta kasama si Beyonce.

"Hello po, Beyonce, sana po makasabay po namin kayo kumanta," saad ni Concepcion.

Excited naman ang tatlo na magtanghal para sa homecoming special para kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Linggo.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.