Miss Q and A grand finalists, sumabak sa tanungan sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2019 12:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Dalawang araw bago ang grand finals, muling nagpakitang-gilas ang mga grand finalist ng Miss Q and A InterTALAKtic 2019 sa pagbisita nila sa "Magandang Buhay."

Nitong Huwebes, naging game sina Chad Kinis Lustre-Reid, Kwangky Mae Florendo, Angel Quiogue at Mitch Montecarlo Suansane sa pakikipagsagutan laban sa mga host na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros. 

Sa programa, nagsagutan sila sa pagksang "Ano ang mas challenging ang maging momshie o maging beauty queen?"

At para kakaiba, ang mga Miss Q & A grand finalist ang nagbigay ng kanilang mga sagot kung bakit mas challenging ang maging momshie.

Sa Sabado, Pebrero 23, ay magaganap na ang Miss Q and A InterTALAKtic 2019 grand finals sa "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.