Alessandra De Rossi proud sa pelikulang 'Watch List'

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 07:56 PM | Updated as of Feb 21 2020 08:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Proud ang aktres na si Alessandra de Rossi sa pelikulang pinagbibidahan niyang "Watch List."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Habol sa last full show! Wuw! 👋🏻

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Ukol ito sa biyudang naghahanap ng hustisya para sa asawa niyang namatay sa gitna ng giyera kontra droga.

Pero kung si De Rossi ang tatanungin, mas gusto niyang suklian ng pagmamahal ang kamalian kaysa maghiganti.

"The world will be a better place pag nagmahalan tayo. Two wrongs will not make a right," aniya. 

Nauna na ang international screenings ng pelikula, na idinirek ni Ben Rekhi. 

"Pang-Academy Awards," pagbibiro ni De Rossi. 

Samantala, natutuwa rin si De Rossi sa transpormasyon ng kaniyang career bilang direktor ng bagong pelikula nila ni Piolo Pascual.

"Wala akong kahirap-hirap kay Piolo, tapos 'yung artist ko sarili ko. Mahirap lang talaga maging artista at direktor nang sabay, you can't serve two masters at the same time," aniya. 

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.