Cristine Reyes, may hiling sa kanyang kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 04:12 PM | Updated as of Feb 19 2020 04:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Ibinahagi ni Cristine Reyes ang mga aral na natutunan para sa mas magandang disposisyon sa buhay.

Nitong Miyerkoles, ipinagdiwang ni Cristine ang kanyang kaarawan sa naging pagbisita niya sa "Magandang Buhay." 

"Siguro na-discover ko na dapat maging happy ka lagi sa buhay mo. Kasi hindi naman mawawala ang problema natin. Laging mayroon at mayroon at nasa pagdadala mo 'yon. Kung iiyak ba lagi, malulungkot ka ba lagi. Ikaw lang 'yung mahihirapan sa buhay mo. For me i-lift mo na lang 'yon kay Lord, bahala na si Lord, and go on with your life and magpakabuti ka na lang sa buhay mo sa mga tao, sa surroundings mo, sa work mo. Now, I have Amarah, maging mabuting mother. And just be a good person," ani Cristine.

Una nang ipinagdiwang ni Cristine ang kanyang ika-31 kaarawan kasama ang kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.

"I realized dapat i-celebrate natin ang buhay natin. For me greatest gift from God. Celebrate life," ani Cristine.
 
"Right now, I appreciate more quality time with my family and close friends," dagdag ni Cristine.

Nang matanong naman ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan, sagot ni Cristine: "My wish? Sana po matupad ang heart's desires ko for me and Amarah," ani Cristine na bida ng pelikulang "Untrue" kasama ang aktor na si Xian Lim.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.