Yassi, nahirapan sa masakit na eksena nila ni Coco sa 'Ang Probinsyano'

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2018 12:19 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Pinag-usapan at kinapitan ng manonood ang mga eksenang hiwalayan sa "Ang Probinsyano."

Mahirap nga namang tanggapin na maghihiwalay na sina Cardo (Coco Martin) at Alyanna (Yassi Pressman) na minahal na ng mga tagasubaybay ng serye.

Ibinahagi ni Yassi na nahirapan sila ni Coco habang kinukunan ang eksena.

"Mahirap po siyang gawin kasi matagal naming pino-portray 'yung characters. Siyempre pati kami mahal namin si Alyanna, mahal namin si Cardo. Masakit po siya, 'yung nangyayari sa kuwento, mahirap," ani Yassi.

At kung may balikan pang magaganap kina Cardo at Alyanna, ito ang sagot ng aktres.

"Tingnan po natin pero sa ngayon mukhang desidido po talaga si Alyanna," ani Yassi.

Aliw naman si Yassi sa reaksiyon ng mga netizen sa mabigat na eksena.

"Marami po ang nagagalit sa nangyayari, marami po ang nagugulat siyempre. Pero marami po ang nagsasabi na naiintindihan nila 'yung nararamdaman ng bawat character, halu-halo po ang emotion nila grabe," ani Yassi.

Ngayon busy si Yassi sa pelikula niyang "Ang Pambansang Third Wheel" kung saan leading man niya si Sam Milby.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.