TNT Boys nagbigay-inspirasyon sa Bantay Bata 163

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2019 11:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Good vibes ang hatid ng TNT Boys sa ika-22 anibersaryo ng Bantay Bata 163 na ipinagdiwang sa Children's Village sa Norzagaray, Bulacan noong Huwebes. 
    
Sabi ng TNT Boys sa mga batang kinukupkop ng Children's Village, kahit sino ay puwedeng maging "best" sa kanilang pipiliing larangan.

"Gusto naming tatlo na ma-encourage ang mga nasa Bantay Bata 163. Maraming bata na nangangarap, andito kami para bigyan sila ng inspirasyon," saad ni Mackie Empuerto, isa sa mga miyembro ng trio. 

Patuloy ang pamamayagpag ng TNT Boys sa programang "The World's Best" sa Amerika kung saan sila nakikipagtapatan sa iba pang talents.

Natuwa naman ang Bantay Bata community sa launch ng "163 Beep card" donation platform kung saan kada tap ay P5 ang mapupunta sa Bantay Bata.

"So ito pong Beep card ay isang paraan para po tayo ay maka-donate nang mas madali sa Bantay Bata 163," pagmamalaki ni Jing Castañeda, program director ng organisasyon.

Samantala, nagpasalamat din sa donors ang founder ng Bantay Bata 163 na si Gina Lopez. 

"The light hasn't stopped. Iyung mga tao, tumutulong sa water connection, sa furniture, aircon. People care," ani Lopez. 

Noong nakaraang taon, nag-donate ang TNT Boys ng P50,000 para sa Bantay Bata 163.

Itinatag ang Bantay Bata 163 noong 1997 sa ilalim ng ABS-CBN Foundation ni Lopez, na layong sagipin ang mga bata mula sa pang-aabuso. 

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.