Pelikulang 'Us Again' nina RK at Jane, alay sa kanilang fans

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Alay nina RK Bagatsing at Jane Oineza para sa kanilang mga tagahanga ang pelikulang "Us Again."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni RK na sagot ang kanilang pelikula sa mga nais na muli silang magkasama sa isang proyekto. 

Matatandaang unang nagsama sa 2018 seryeng "Araw Gabi" sina RK at Jane.

"Kasi 'yung first project namin sa 'Araw Gabi' that was two years I think. And 'yung tambalan namin medyo nagustuhan ng tao, lalo na 'yung fans ni Jane. So parang they were looking for a follow up after nung show na 'yon. So ito po 'yon 'yung next naming tambalan for the fans," ani RK.

Ayon naman kay Jane, masaya siya sa muling pagsasama nila ni RK.

"Masaya ako na nabigyan ako ulit ng chance na makatrabaho ang isang RK Bagatsing. Happy ako, sobrang happy ako," ani Jane na nagbahagi pa tungkol sa kanilang pelikulang.

"Susundan natin ang kuwento nina Mike at Margie. Ako si Margie isang med tech student at pinangarap niya ring maging doktor but there were circumstances in life na hindi natuloy 'yung dreams niya," ani Jane.

Dagdag ni RK: "Ako rito si Mike isang struggling artist, painter, medyo lost siya sa buhay niya at nakita niya few years back si Marge and then hindi tama 'yung timing. Lumipas ang panahon nagkita sila ulit pero hindi pa rin tama."

Sa direksiyon ni Joy A. Aquino, ipapalabas sa mga sinehan ang "Us Again" sa Pebrero 26. 

Samantala, sumabak din ang dalawa sa "Kiss The Apple Game" challenge ng "UKG."

Ang hamon kailangang mailipat ang 10 mansanas sa isa pang bowl sa loob ng isang minuto gamit ang kanilang mga labi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.