'Blind balladeer' Carl Montecido, naimbitahan sa talk show ni Ellen DeGeneres

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 11:22 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kabi-kabila ang imbitasyong natatanggap ng tinaguriang "Blind Balladeer ng Bacolod" na si Carl Malone Montecido, matapos mag-viral ang pagkanta niya sa videoke ng "Too Good at Goodbyes" ni Sam Smith.

Excited ngayon si Carl dahil naimbitahan siyang mag-guest sa talk show ni Ellen DeGeneres sa Amerika.

Hindi naman idinitalye ni Carl ang tungkol sa guesting dahil inaayos pa ito.

Una nang pinuri si Carl ng American singer na si Kelly Clarkson at ang idolo niyang si Sam Smith.

Sa ngayon ay may 13 million views na ang video ni Carl na in-upload ng Facebook user na si Trixie Madison.


-- Umagang Kay Ganda, Pebrero 12, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.