Robin Padilla, may reunion movie kasama si Regine Velasquez?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 01:34 PM | Updated as of Feb 12 2019 04:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Inaasahang magiging busy si Robin Padilla ngayong 2019 sa nagkalakihang projects na kanyang gagawin.

Kabilang dito ang reunion movie nila ni Regine Velasquez.

"Meron pa po tayo mga pelikula na gagawin, 'yung 'Marawi.' Meron pa 'yung sa amin nila Aga (Muhlach), ni Daniel (Padilla), ni Empoy (Marquez). Inaasahan din po namin 'yung kay Regine," aniya.

Pero kuwento ni Robin, darating ang panahon na mas pipiliin niya ang simpleng pamumuhay.

"Mahal din kasi talaga natin ang mga kaibigan natin (sa showbiz), pero darating din ang araw na mauubos din ang humihingi ng pabor at matutuloy din namin ang farming," ani Robin.

Ayon kay Robin, may plano siya na sa probinsya na manirahan kasama ang misis na si Mariel Padilla at mga mahal sa buhay.

Pero dahil mahal niya ang trabaho bilang artista, nade-delay ang goals na ito ni Robin.

Naiisip man ni Robin sa ngayon ang harapin ang simpleng buhay, uunahin muna niya ang showbiz projects na kailangan ng kanyang tulong para sa ikasisigla ng pelikulang lokal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.