KZ Tandingan, vlogger na rin

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2019 11:57 AM

MANILA -- Nagsimula na ang mang-aawit na si KZ Tandingan na mag-vlog.

Ayon kay KZ, naisipan niyang mag-vlog para magkaroon ng alaalang babalikan sa naging laban niya sa "Singer 2018." 

Sa kanyang unang vlog na may pamagat na "What Really Happened in China," ibinahagi ni KZ na naging malaking hamon para sa kanya ang apat na buwang pananatili sa China para sa kompetisyon.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ang daming beses na muntik na akong sumuko. Pero naalala ko kung saan ako nagsimula, kung bakit ako nakipagsapalaran sa 'X Factor Philippines' seven years ago. Dahil may pangarap ako na gusto kong maabot. Ang naramdaman ko nung nasa China ako, ganun din ang naramdaman ko nung sumabak ako sa 'X Factor.' Akala ko walang pag-asa, akala ko wala akong kakampi, akala ko hindi ko kakayanin. Akala ko hindi ko magagawa," ani KZ.

Sa huli, nagbigay paalala si KZ sa lahat ng mga may pinagdaaanang pagsubok sa buhay na makakaya ang lahat basta magtiwala sa Diyos. 

Nagpasalamat din si KZ sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya sa naging laban niya sa "Singer 2018."

Matatandaang lumikha ng ingay ang pagsali ni KZ sa "Singer 2018" kung saan pinahanga niya ang mga banyaga at kapwa-Filipino sa galing niya sa pag-awit.

Ang sikat na British singer na si Si Jessie J ang isa sa nakaharap ni KZ sa kompetisyon at siya ring itinanghal na kampeon.