Nadulas? Maymay sinagot kung sila na nga ba ni Edward

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2020 07:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Malapit nang mapanood muli sina Maymay Entrata at Edward Barber sa upcoming serye nilang na "Heart to Heart."

Nilinaw naman ni Entrata ang kaniyang sagot nang tanungin ni Robi Domingo tungkol sa samahan nila ni Barber.

Maaalalang nagtanong si Domingo noong Enero 12 kung nag-aaway ba sina Entrata at Barber, at ito ang naging sagot ng aktres: "Lagi po kaming nag-aaway pero ang importante dun ay kami pa rin."

Pero sabi ni Entrata ay hindi iyon ang ibig niyang sabihin.

"Ang ibig sabihin noon: okay kami. Hindi 'yon ibig sabihin na kami na kami... Itong si Kuya Robi kasi tanong nang tanong, siyempre ma-ano ka talaga... I stuttered only," ani Entrata.

Nang tanungin muli tungkol sa estado ng kanilang relasyon, sinagot ito ni Entrata.

"Best friends forever," aniya.

Mapapanood ang Heart To Heart ngayong 2020 sa Kapamilya network.


-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.