Anne Curtis 'dream role' ang pagiging UNICEF goodwill ambassador

ABS-CBN News

Posted at Feb 08 2019 10:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Napaluha si Anne Curtis nang makuha ang isa umano sa pinakamahahalagang role sa kaniyang career noong Huwebes.

Ito'y matapos siyang italaga bilang national goodwill ambassador ng United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF).

"I've always just had a heart to want to help for those who don't have a voice or maybe too young to use their own. I knew I wanted to make difference in children's lives and that was what led me to UNICEF," ani Curtis sa kaniyang talumpati.

Nagsimula si Curtis bilang major donor ng UNICEF noong 2009, kaya laking tuwa niyang mas marami pa siyang batang matutulungan ngayon bilang ambassador.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang aktres nang magsalita sa mga kontrobersiyal na isyu na kinahaharap ng mga kabataang Pinoy.

Ilan na dito ang pagtutulak na mapababa ang edad ng pananagutan at ang pagbagsak ng bilang ng mga nagpapabakuna.

Nanawagan si Curtis na ipatupad na lang ang kasalukuyang batas, kung saan itinakda sa 15 ang edad ng pananagutan.

"I've learned that if the current laws are to be fully implemented, there would be no real need to lower the age [of responsibility]," giit niya.

Idiniin din niya ang halaga ng pagpapabakuna ngayong may outbreak ng tigdas sa ilang rehiyon.

"It should be a priority because I understand that a lot of children are getting affected by the measles outbreak," aniya.

Bukod sa UNICEF, busy rin si Curtis sa foundation niyang Dream Machine.
    
—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.