Toni Gonzaga ibinahagi ang larawan kasama si Laura Dern

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 11:58 AM | Updated as of Feb 04 2020 12:08 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinida ni Toni Gonzaga sa Instagram ang kanyang mga larawan sa London.

Binisita ni Toni ang St. Paul's Cathedral kung saan ikinasal si Princess Diana.

Na-meet din niya ang American award-winning actress na si Laura Dern na nakasalubong niya palabas sa kanilang hotel. Si Dern ay isa sa mga bida ng pelikulang "Marriage Story."

Pinuntahan rin ni Toni ang Westminster Abbey at ang Kensington Palace kung saan naman nakatira sina Prince William at Kate Middleton.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.