Shooting nina Coco at Angelica ipinagpaliban dahil sa banta ng 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 04 2020 11:31 AM

MANILA -- Ipinagpaliban muna ang shooting ng pelikula nina Coco Martin at Angelica Panganiban dahil sa banta ng 2019 novel corona virus.

Pupunta sana sa Dubai ang staff at crew ng pelikula pero minabuti ng Star Cinema na kanselahin ang paglabas nila sa Pilipinas.

Ang “Love or Money” ang unang pelikula na pagsasamahan nina Coco at Angelica.

Inaasahan na mapapanood ito ngayong taon. 

Watch more in iWant or TFC.tv