Coco, nahihirapan kung paano tatapusin ang 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 12:06 PM

 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

MANILA -- Sa tagumpay ng seryeng "Ang Probinsyano," aminado ang bida nito na si Coco Martin na hirap sila kung paano nga ba tatapusin ang kuwento. 

"Hindi namin maisip kung paano tatapusin kasi napakarami pang kuwento. Napakarami pang nangyayari sa ating bansa, sa ating buhay, which is masarap siyang i-tackle," ani Coco nitong Martes.

"Masarap siyang ipakita sa pamamagitan ng soap opera," dagdag niya.

Ayon kay Coco, sa ngayon ay aabangan pa ang mas matitinding mga tagpo sa "Ang Probinsyano."

"Patindi na nang patindi ang 'Ang Probinsyano' kasi iba na ang kuwento niya. Before, pulis ako; ngayon naman kami 'yung lumalaban sa mga tiwaling tao, sa masamang tao. Kumbaga hindi na ako pulis ngayon; ako na ang pinaghahanap ng kapulisan," ani Coco.

Maliban sa serye, plano ni Coco na gumawa ng bagong pelikula na hango sa isang bagong game app

"Mayroon akong concept ngayon na gusto kong simulan sa games. Bago ko gawing pelikula, sa games muna. Ang 'Ang Panday' ginawa ko munang pelikula bago ko ginawang games. Ito games muna bago ko gawing pelikula," ani Coco.

Si Coco, o Rodel Nacianceno sa totoong buhay, ay co-founder ng Cosyn Mediatech na siyang naglabas ng game app para sa "Ang Panday."

Nakatakda ring ilabas ng Cosyn ang "La Luna Sangre Filter." 

Bilang Kapamilya actor, bukas si Coco sa ideya na maging guest sa seryeng "La Luna Sangre" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

"Bakit naman hindi? Kung hiniling nila akong mag-guest, pupunta ako doon," ani Coco.

Kung sakali, nais ni Coco na gumanap bilang isang bampira.

"Malapit tayo doon at saka noong bata ka minsan 'yun ang laro niyo, 'yung bampira ka," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.