'Ready ako maging daddy, game na': JC Santos, excited na maging ama

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 12:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Planong magpahinga muna sa showbiz ng aktor na si JC Santos.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ipinaliwanag ni JC na susubukan niyang magpahinga muna sa showbiz ng ilang buwan pagkatapos maisilang ang anak nila ng kanyang asawang si Shyleena Herrera.

"I will try my best kasi gusto ko ma-experience full-on 'yung pagiging daddy," ani JC na ikinasal kay Shyleena, ang kanyang childhood crush, noong nakaraang taon.

"Gusto ako 'yung magpapalit ng diaper, gusto ko ako 'yung magpapaligo. Gusto ko nandiyan ako the whole process as much as a possible. Gusto ko ganun," paliwanag ni JC.

Pag-amin ni JC, maraming mga tanong ang sumagi sa isip niya nang malaman niyang magiging ama na siya. 

"Ang unang nag-flash sa akin 'yung bank account ko. Una, nasaan na ako sa pag-iipon. Ano na 'yung mga susunod na trabaho ko. Biglang nag-flash sa akin lahat in one minute. Tapos, okay, ready ako, ready ako maging daddy, game na," ani JC.

"Gusto ko rin kasing magka-baby matagal na, ngayon lang natupad. Gustong-gusto ko kasi nag-aalaga. ... Perfect timing itong lahat nang nangyari na ito," ani JC na sinabing natupad din ang isa pa niyang pangarap na magkaroon ng isang anak na babae.

"Ang sweet-sweet kasi ng babae eh lagi. Kahit 'yung kapatid ko, nung inaalagaan ko siya, noon mas naa-appreciate ko agad, kasi as a person emotional din ako. So baka mas nakaka-relate ako emotionally kapag girl," ani JC.

Sa nakaraang panayam, sinabi ni JC na nakatakdang magsilang ang kanyang asawa sa susunod na buwan.

Bida si JC ng pelikulang "On Vodka, Beers, and Regrets" kasama si Bela Padi8lla na ipapalabas sa mga sinehan simula Pebrero 5. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.