Morissette at 'The Voice US' finalist Jej Vinson, magsasama sa isang concert

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2020 12:14 PM | Updated as of Jan 29 2020 02:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nasa bansa ngayon ang "The Voice US" finalist na si Jej Vinson para sa isang concert kasama si Morissette Amon.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, nagbigay ng ilang detalye si Jej sa concert nila na "In the Key of Love" na mangyayari sa Pebrero 1 sa Waterfront Cebu City Hotel.

Matatandaang nakilala si Jej sa naging pagsabak niya sa "The Voice" sa Amerika noong nakaraang taon kung saan naging coach niya si Kelly Clarkson.

Nagbahagi rin si Jej ng kanyang karanasan bilang finalist ng "The Voice." 
 
"Oh my gosh! It was so unreal. I just feel honored that I'm representing all Pinoys abroad with 'The Voice US' and just getting to work with Kelly Clarkson as my coach was the most amazing thing. Tapos the collaboration with other contestants was also amazing. We got to stay in the hotel with the other contestants tapos 'yun may bonding time. I got to spend time with them and got to know them. That's like one of the most amazing experiences being on that show," ani Jej na huling bumisita sa Pilipinas noong 2013.