Sheryn Regis, gustong bumalik sa pag-arte

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 12:37 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sheryn Regis (@sherynregis) on

MANILA -- Maliban sa pag-awit, aminado ang tinaguriang "Crystal Voice of Asia" na si Sheryn Regis na kung siya ang masusunod ay gusto na niya na muling manatili sa Pilipinas at bumalik sa pag-arte.

Bibida si Sheryn sa concert na "Back To Love" na gagawin sa Music Museum sa darating na Pebrero 28.

"Gusto ko for good. Kasi nga gusto ko bumalik sa acting. Remember nag-'Betty La Fea' ako before. Gusto ko ulit, 'yung role na hindi lang masyadong iiyak. 'Yung parang comedy, romance-comedy, yes gusto ko 'yung ganyan," ani Sheryn na nakabase sa Texas kung saan naroon ang kanyang asawa at anak.

Taong 2010 noong nagdesisyon na Sheryn na magtungo sa Amerika para sa kanyang pamilya, lalo na para sa kanyang anak.

"Sana mabigyan ako ng chance na aside from singing ay magagamit ko rin 'yung acting skill ko," dagdag ni Sheryn.

At kung bibigyan ng pagkakataon, nais ni Sheryn na makasama sa isang acting project ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

"Aside from Maymay being Bisaya, she's so cute. She's so kikay and I like Edward. And they are very down to earth. I really love them," ani Sheryn na nakasama na sa "ASAP" ang sikat na tambalan na ikinagulat niyang kilala rin siya.