Gerald Anderson, inalala ang idolong si Kobe Bryant

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2020 11:34 AM | Updated as of Jan 28 2020 12:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Inalala ng aktor na si Gerald Anderson ang kanyang idolo na si Kobe Bryant. 

Kuwento ni Gerald, forever inspiration niya si Kobe.

Ibinahagi rin ni Gerald ang mga larawan kung saan nakasuot siya ng LA Lakers jersey number 24 na siyang jersey number din ng basketball legend.

"#24 #8 forever will be an inspiration," ani Gerald sa caption.

Kinunan ang mga larawan sa Staples Center sa Los Angeles.

-- Umagang Kay Ganda, Enero 28, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.