PANOORIN: Kathryn, Kakai, Lovely nagpasiklab sa 'Yummy' dance cover

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 03:28 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 𝑲𝒂𝒌𝒂𝒊 𝑩𝒂𝒖𝒕𝒊𝒔𝒕𝒂 (@ilovekaye) on

MAYNILA - Muling nagsama-sama ang 3 babaeng cast ng top-grossing film na "Hello, Love, Goodbye" sa pangunguna ng bidang si Kathryn Bernardo para sa isang dance cover.

Sa Instagram video, makikita sina Bernardo, Kakai Bautista at Lovely Abella sa loob ng isang G-Force dance studio na nagsasayaw sa kantang "Yummy" ni Justin Bieber.

"Ayun na nga. Yumugyog na muna kami bago ang isang mahabang chikahan. Busy pa ang bunso namin eh. After mag-update ng buhay buhay, kumain kami [nang] marami... Missing Maymay [Entrata]," ani Bautista, na siyang nag-upload ng video. 

Si Entrata ay kabilang din sa mga gumanap sa "Hello, Love, Goodbye" 

Umabot na sa mahigit 100,000 ang views ng kanilang dance cover. 

Ang "Hello, Love, Goodbye" ang tinaguriang highest grossing Filipino film of all time matapos kumita nang higit P800 milyon sa takilya. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.