Tony Labrusca, bibida sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2019 11:27 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinakilala ng direktor na si Jason Paul Laxamana ang cast ng paparating na pelikulang "Ang Henerasyong Sumuko sa Love."

Kasama sa cast sina Tony Labrusca, Jane Oineza, Jerome Ponce, Myrtle Sarrosa at Albie Casiño.

Ayon sa isang blog, gumagawa pa ng poll questions ang direktor para tanungin sa fans kung sino sa tingin nila ang bagay sa kanyang pelikula.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.