Xian, nag-propose ba kay Kim sa Europa?

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2018 12:08 PM | Updated as of Jan 23 2018 05:14 PM

 

MANILA -- Itinanggi ni Xian Lim na nag-propose na siya kay Kim Chui nang mabakasyon sila sa Europa kamakailan.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, iginiit ni Xian na takot pa siya sa mga ganoong bagay.

"Matagal pa ako. Matagal pa 'yung mga plano. Mayroon akong ganoon, mayroon akong fear; dapat plantsado muna. Next time na yon, next time na yung mga ganoon," ani Xian na inaming naging masaya naman ang kanilang trip abroad.

"It was really fun kasi matagal na rin kaming hindi nagkakaroon ng ganoong karaming oras for each other," ani Xian.

"Siyempre sobrang saya. I can go on and on about 'yung mga happy moments pero at the same time magkakaroon din kayo ng misunderstandings. Pero masaya lang," ani Xian.

Dahil sa kanilang naging pagsasama sa labas ng bansa, nagbigay payo pa si Xian sa mga manonood sa kung paano mas mapapalakas ang pagmamahalan.

"Given na busy kayong tao, maybe mag-allot kayo ng time sa isa't isa para naman makapag-catch up kayo. Para naman hindi napag-iiwanan ang pagmamahalan niyo sa isa't isa," ani Xian.

Sa nakaraang pagbisita ni Kim sa "Magandang Buhay," ibinahagi nito ang masayang bakasyon nila ni Xian.

Ani Kim, naging daan din ang kanilang Europe trip para mas makilala pa ang isa't isa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.