Celebs, netizens nagulantang sa hiwalayang James, Nadine

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2020 07:57 PM | Updated as of Jan 21 2020 08:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nagulantang ang ilang personalidad at netizens sa pagkumpirmang naghiwalay na sina James Reid at Nadine Lustre. 

Sa Twitter, agad na nag-trend sina Lustre at Reid, na naghiwalay umano para tutukan ang sarili. 

Isa rito si Robi Domingo, na nag-post ng sarili niyang cover ng "On The Wings of Love." 

 

Taong 2014 nang unang magtambal sina Reid at Lustre sa pelikulang "Diary ng Panget" at sinundan pa ito ng ilang proyekto hanggang sa nabuo ang chemistry ng dalawa sa 2015 teleserye "On The Wings of Love." 

At noong Pebrero 2016, kinumpirma ng dalawa na ilang araw na silang magkarelasyon. 

Ayun nga lang, pagkatapos nang 3 taon ay nauwi ito sa hiwalayan, na sinabayan ng samu't saring kontrobersiya gaya na lang nang ibalita ito ng entertainment website na PEP. Sinundan naman ito ng artikulo ni Ricky Lo - na noo'y pinabulaanan ni Lustre. 

"It’s true that we have split up, but not for all the reasons that are being spread on the tabloids and social media, but because after quiet and mature conversations, we decided to focus on ourselves not only for our careers but more for our personal growth as we are still young and we want to achieve as much as we can," ayon sa joint statement ng dating magkasintahan na inilabas sa "Tonight With Boy Abunda," gabi ng Lunes.

Bukod sa pag-trend ng dating magkasintahan, nag-trend ang magkapatid na Issa at Yassi Pressman. Idinadawit kasi si Issa bilang "third party" umano sa relasyong JaDine. 

Hiningi ng ABS-CBN ang saloobin ni Yassi sa direct message sa Instagram, maging ang saloobin ng ilang nakatrabaho ng aktres, pero wala pa itong sagot. 

Ayon naman sa source ng ABS-CBN na tinanong umano si Reid ukol sa umano'y third party bago pa mailabas ang pahayag ukol sa hiwalayan, iginiit daw ng aktor na walang namamagitan sa kanila ni Issa. 

May mensahe naman ang radio jock na si DJ Chacha sa mga nagpapakalat ng espekulasyon sa hiwalayan: 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.