Joshua Garcia, higit 3 milyon na ang followers sa Instagram

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2020 11:17 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- May higit 3 milyon na ang tagasunod o followers sa Instagram ng aktor na si Joshua Garcia.

Sa kanyang post, nagpasalamat si Joshua sa lahat ng sumusunod sa kanya.

"Thank you sa 3M na sumusunod sakin. You guys are amazing!," ani Joshua.

Nito lamang Biyernes ay nagtapos na ang seryeng "The Killer Bride" kung saan isa sa mga bida si Joshua.

-- Umagang Kay Ganda, Enero 20, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.