Kim, mas nakilala si Xian nang magbakasyon sa Europa

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2018 11:52 AM | Updated as of Jan 17 2018 01:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Kim Chiu na isa sa malaking desisyon na ginawa niya sa buhay ay ang magbakasyon sa Europa kasama ang nababalitang nobyo na si Xian Lim.

"Isa din 'yon sa mga desisyon ko, to decide para sa sarili ko na mag-enjoy na ako lang, na wala ang family ko. Pumayag naman siya, ang ate ko, na ako lang, kami lang ang umalis," ani Kim sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

Ayon kay Kim, mas nakilala nila ang isa't isa dahil sa kanilang ginawang pagbabakasyon.

"Nagkakilanlan kami doon sa trip. 'Yung pasensiya humaba, 'yung mag-roller-coaster, 'yung picturan ako ng maraming-marami," ani Kim na natuklasang madaling mag-init ang ulo ni Xian kapag ito ay gutom.

Matatandaang nagsimulang maging malapit si Kim at Xian noong gawin nila ang seryeng "My Binondo Girl" noong 2011.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.